Maymay Entrata, ikinuwento ang bakasyon sa Japan

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2019 03:38 PM | Updated as of Jan 16 2019 03:54 PM

MAYNILA -- Sulit ang naging bakasyon ng Kapamilya star na si Maymay Entrata sa Japan.

Matatandaan na ginugol ni Maymay ang kanyang bakasyon kasama ang kanyang ina na isang overseas Filipino worker na sa Japan na naninirahan ngayon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

Kuwento ni Maymay, ito ang unang beses na bumisita siya sa Japan para makasama ang kanyang ina.

"OFW kasi ang mama ko, may half-brother din po ako doon kaya first time na kumpleto kami," masayang kuwento ni Maymay.

Aniya, walang kasing saya na makasama niya ang ina at kapatid matapos ang mahabang panahon na pagsasakripisyo bilang OFW.

"Sobrang blessed ko. Masasabi ko talaga na masaya ako na napagdesisyunan ko at ginawan ko ng paraan na makauwi ako sa Japan. Kasi noong 2018, lahat ng mga blessings na natanggap ko, 'yung work ko as an artist, minsan masarap sa feeling parang refreshed ka na babalik ka sa pamilya mo," sabi pa niya.

Kahit sa maikling panahon man daw na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay, sinigurado niya na sulit ang bawat sandali kasama ang mga ito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

"Hindi naman po nabitin. Siguro ngayon mas naintindihan ko na ang sitwasyon, ang sakripisyo ng mama ko para sa amin na mapalayo siya sa pamilya ko para lang matustusan kami. Kaya ngayon na ako na ‘yung nagta-trabaho at tumutulong na din ako sa mama ko, parang pare-pareho lang na ganun. Masakit pero kailangan mong magtrabaho para sa pamilya mo," pahayag pa ni Maymay.

Sa ngayon, balik-trabaho si Maymay na napapanood tuwing Linggo sa "ASAP Natin 'To."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.