Iza Calzado, ilang beses umiyak sa araw mismo ng kasal

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2019 04:53 PM

MANILA -- Kinuwento ng aktres na si Iza Calzado na makailang beses siyang umiyak sa araw mismo ng kasal nila ni Ben Wintle.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, binalikan ni Iza ang kanyang kasal na puno ng saya, pag-ibig at emosyon.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ani Iza, una siyang umiyak nang maalala ang kanyang mga magulang na pareho nang pumanaw.

"When it comes to my dad, it's something he really wanted to do -- to walk me down the aisle. You know na miss ko 'yung I wish they could be here, di ba? By that time nakapag-welcome dinner na, ang saya na, ang taas na ng love sa air, 'yung energy sobrang good vibes pero may kulang, hindi ba? Kahit na anong gawin mo hindi mo sila maibabalik eh. So parang siguro 'yun 'yon, it sucks that they're not there," ani Iza.

Aniya, muli na naman siyang naging emosyonal nang makausap niya ang ina ni Ben at bigyan siya nito ng pag-aaring bracelet.

"Iyakan kami. It was a nice touching moment. She told me naman before that she wants to be called mom. I felt like I have a new mom. Ang daming moment. ...Tapos biglang dumating sina Teddy at Gideon, sila ang gumawa ng bouquet, tapos ibinigay sa akin 'yung bouquet, ang ganda tuwang-tuwa ako. Tapos sabi nila buksan ko 'yung locket. Picture ng mga magulang ko, giba na naman ako. Alam mo' yon, talagang ang daming moments," ani Iza.

Matapos ang kasal, muli na namang napaiyak si Iza dahil naman sa sorpresa ng kanyang kaibigang si Sunshine Dizon.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa reception ng kasal, iniregalo ni Sunshine ang isang alahas na mula mismo sa ina ni Iza.

"I think people are a bit confused as to how she has it. Just to clarify: What happened was before my mom died, she pawned a couple of pieces of jewelry. We were strapped for cash, wala kaming pera, nagsanla. Sabi ko, 'Ga, wala akong perang pangtubos nito, ikaw na lang ang tumubos, sa iyo na.' Parang I basically sold it to her and she did, then I forgot about it. She said na may nawala 'yung pieces. So akala ko nawala lahat, tapos nagsisi ako na bakit hindi ko binili lahat. Akala ko nawala lahat 'yun pala may isang natira. ... 'yun pala natira 'yung bracelet tapos 'yun ibinigay niya sa akin," kuwento ni Iza.

Matalik na magkakaibigan sina Sunshine, Iza, Karylle at Diana Zubiri.

Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan nang bumida sila noong 2005 sa isang serye.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.