Billy Crawford, hanga kina Sam Concepcion at James Reid

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2019 01:41 PM | Updated as of Jan 15 2019 02:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Siguradong aabangan ngayong 2019 ang pagpe-perform sa isang concert nina Billy Crawford, Sam Concepcion at James Reid.

Sa tatlo, kabado si James dahil makakasama niyang mag-perform ang kanyang mga iniidolo sa kantahan at sayawan.

"I'm nervous. I'm performing with two of my idols, it's crazy. This is going to be big. We all have something to bring to the table," ani James.

Ang award-winning concert at music video director na si Paul Basinillo ang bubuo ng concert.

"It's going be a great, great, great opportunity for us three to actually jibe together. It will be a great opportunity and privilege for me para makasabay sa dalawang bagets na ito. Para matuto rin sila kung paano 'yung matatanda gumalaw. We all learn from each other," ani Billy.

Ang creativity at passion ang hinahangaan ni Billy kay James, samantalang threat sa maraming male concert artist si Sam, ayon kay Billy.
 
"Si Sam is multi-talented. The boy can act, can sing, can dance. Nakaka-[threaten] siya ng mga male performers," ani Billy.

Wala pang title ang concert nina Billy, James at Sam na magaganap April 4 sa Araneta Coliseum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.