PANOORIN: Yassi, Kim hataw sa pagsayaw sa mga kanta ni Ariana Grande

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2019 02:52 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Muling pinabilib nina Kim Chiu at Yassi Pressman ang mga manonood ng "ASAP" nitong Linggo sa kanilang paghataw sa musika ng American pop singer na si Ariana Grande.

Ilan sa mga kanta ni Grande na sinayawan ng dalawa ang "No Tears Left to Cry," "God is a Woman," at "Thank U, Next."

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nag-viral ang isang video tampok si Pressman na sumasayaw sa "Thank U, Next."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.