Baron Geisler, handa na bang magbalik showbiz?

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2019 03:27 PM | Updated as of Jan 13 2019 03:39 PM

MAYNILA - Mas positibo na Baron Geisler ang humarap sa entertainment press sa naganap red carpet premiere ng pelikulang "Alpha, Right to Kill" kung saan isa siya sa mga may mahalagang papel.

Ito din ang masasabing pagbabalik showbiz ng aktor matapos sumailalim sa rehab ng ilang buwan para gamutin ang kaniyang pagkalulong sa alcohol.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler) on

Ayon kay Baron, umaasa siya sa muling pagtanggap ng mga tao sa kaniya na muling maipamalas ang kaniyang talento bilang isang artista.

"I’m praying, sana makabalik. Sa Star Magic siguro, sa buong stay ko sa rehab isa 'yun sa halos pinagdadasal ko araw-araw," ani aktor sa ABS-CBN news noong Biyernes.

Nagkaroon na din daw ng pagkakataon si Baron na makipagpulong sa isa sa mga taong patuloy pa din na naniniwala sa kaniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler) on

"I feel good, actually I just came from ABS-CBN I visited Star Magic, I reconnected with them and I really had a good talk with Mr. M [Johnny Manahan] my mentor my god father in our industry," sabi pa ni Baron.

Aniya, kasama sa kaniyang dasal ngayon na magiging positibo pa din ang pagtanggap sa kanya ng mga tao sa kabila ng pinagdaanan.

Sa ngayon abala ang aktor sa kaniyang negosyo sa Cebu, City.

Sa Enero 16, mapapanood na sa mga sinehan ang "Alpha Right to Kill" sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.