Regine inaming kinonsulta siya ni Sarah ukol sa pagpapakasal

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2019 06:01 PM | Updated as of Jan 12 2019 06:52 PM


Usap-usapan ngayon ang hirit ni Asia's Songbird Regine Velasquez kay Sarah Geronimo sa "ASAP Natin 'To" kung saan biniro niya ito ukol sa pagpapakasal.

Nauna nang umingay ang diumano’y engagement ni Geronimo sa nobyong si Matteo Guidicelli matapos kumalat ang larawan ng sinasabing engagement ring. 

"Wala lang niloloko ko lang kasi kinikilig ako sa kanila, eh si mother (Divine) nandun sa harap ko, tawa lang siya nang tawa," ani Velasquez.

Dahil si Velasquez ang itinuturing na ate ni Geronimo sa showbiz, tahasan nitong tinanong kung engaged na nga ba ang dalawa.

"Hindi ko alam, wala namang sinasabi. If that were true, I would have known. She’d tell me. She’d ask me first. Kasi ganun yun eh," pag-amin ng Songbird. 

Pero rebelasyon ni Velasquez, nagtatanong-tanong na daw si Geronimo ukol sa pagpapakasal. 

"We talk about it, I tell her... [na] she is at the right age naman na, marrying age na siya... Siyempre inexperienced siya, andami niyang tinatanong sa akin about getting married, being in a relationship," ani Velasquez.

Pero kung may kasalan mang magaganap, tiyak daw na kukuhanin siyang ninang, pagbibiro ng Songbird.

Si Geronimo, 30, ay limang taon nang nobyo si Guidicelli.

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.