'John Lloyd, Ellen, suwerte sa love life ngayong Year of the Dog'

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2018 08:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kabilang ang iniintrigang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa mga susuwertehin pagdating sa love life sa pagpasok ng Year of the Dog, ayon sa isang feng shui expert.

Ayon sa feng shui expert na si Marites Allen, kabilang sa mga magiging masuwerte sa usaping pag-ibig ang mga ipinanganak sa Year of the Horse, Snake, at Boar kaya mapalad sina Cruz at Adarna ngayong taon. 

“John was born, Year of the Boar but Ellen was also born in the Day of the Boar. So the compatibility is there and then the connection between the water and fire is there. The connection is there, it’s very intense,” paliwanag ng feng shui expert. 

Kamakailan lamang, nag-post si Adarna sa Instagram stories na ala-wedding set-up habang humuhuni ng wedding song.

Dahil dito napatanong ang mga netizens kung wedding bells na nga ba ito para sa kanila.

Ayon naman sa manager ni Adarna na si Pia Campos, wala siyang personal na alam tungkol sa isyung kasalan ng dalawa at si Cruz at Adarna lang aniya ang tanging makapagsasalita pagdating sa kanilang personal na buhay.

“I am personally not aware of any weddings. And it will always be up to Ellen and John Lloyd what they want to share as far as their personal lives are concerned. Thank you,” nakasaad sa pahayag ni Campos. 

Negosyo sa Year of the Dog

Pagdating naman sa negosyo, sinabi ng feng shui experts na magiging suwerte sa mga negosyante ang Year of the Earth Dog na magsisimula sa Pebrero 16. 

“Ang 2018 is napaka-exciting year simply because we have the so-called 'prosperity star number 9' in the chart. This only happens every [9 years],” ayon kay Allen. 

Para sa mga nag-iisip magtayo ng negosyo, papatok ang mini-pop up stores at online selling businesses.

Pero dapat magsuot ng metal colors, dahil kakaunti ang metal element sa chart ng Year of the Dog.

Pagdating naman sa mga relasyon, may mga dapat pag-ingatan.

“We have to be watchful with mga kaibigan na kunwari kaibigan mo sila… Competition is high, kopyahan, gaya-gaya, it’s going to be very very massive,” ani Allen. -- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.