Paul Soriano, itinanggi ang isyung nag-uugnay sa kanila ni Erich

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2018 11:14 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagbigay-reaksiyon si direk Paul Soriano sa nabuong isyu habang ginagawa ang pelikulang "Siargao" na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

Ayon kay direk Paul, walang katotohanan at walang dapat na ipaliwanag.

"It's part of the industry, it's an unfortunate part of the industry that you just have to accept. At the end of the day naman, I am focused. My objective is to make a film, to tell a story, nothing else," ani Paul.

Nagpasalamat din si Paul sa kanilang ninang sa kasal na si Kris Aquino sa pagtatanggol sa kanila sa social media.

"She's our ninang and she knows the truth. So if she feels that she has to defend us, that's her right and we appreciate that so much," ani Paul.

Nagbigay-mensahe rin ang MMFF Best Director sa netizens na mahilig manghusga ng walang sapat na dahilan.

"Ms. Kris and Erich are very close also, you know there's a lot of people out there that like to bash but they don't have any concrete facts," ani Paul.

At ang pinakamahalaga ay di apektado ang pamilya niya at ang asawa niyang si Toni Gonzaga.

Nasa isip din ni direk Paul ang isang project na bibida si Toni at kapatid nito na si Alex na planong buuin ngayong taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.