ALAMIN: Mga nakalinyang proyekto para sa Kapamilya stars ngayong 2020

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2020 05:59 PM | Updated as of Jan 03 2020 08:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Kasisimula pa lang ng 2020 pero kaliwa't kanan na ang mga nakalinyang proyekto para sa maraming Kapamilya stars. 

Regular na TV show, concerts, at sariling negosyo ang pagkakaabalahan ngayon ng komedyanteng si Wacky Kiray.

Pero wake-up call sa kaniya ang pagkamatay ng kaibigang si Chokoleit noong Marso 2019 kaya sisiguraduhin umano niyang pangangalagaan din ang kalusugan. 

"Iyung health kailangan talaga alagaan natin," paalala niya. 

Sunod-sunod din ang pasok ng trabaho kay Sarah Geronimo.

Balik siya sa "The Voice Teens" kasama sina Lea Salonga, Bamboo, at apl.de.ap. 

Halos sold out na rin ang 2-night concert nila ni Regine Velasquez sa Pebrero. 

Samantala, ubos na rin ang tickets sa 20th anniversary concert ni Ebe Dancel sa Pebrero kaya apela ng fans, one more night pa.

"Let’s see kasi hindi lang naman ako ang magdedesisyon niyan," ayon sa sikat na vocalist. 

Marami naman ang nakakapansin sa biglang pagpayat ni Joshua Garcia. Kuwento niya ay para ito sa isang pelikula. 

"Actually sobrang challenging kasi hindi naman ako ma-gym na tao, pero at the same time nae-enjoy ko."

Limang pelikula naman ang nakatakdang gawin ni Sharon Cuneta ngayong taon. Tatlo dito ay kukuhanan abroad. 

"I'm gonna have a new show in ABS-CBN, movies, I'm gonna have concert tours with Regine and another collaboration with an old friend before the end of the year," sabi ng Megastar.

Magbabalik sa big screen na rin si Daniel Padilla. 

Agad pinagkaguluhan ng fans ang teaser photos nila ni Charo Santos-Concio at miyembro ng girl group na MNL48 na si Francinne Rifol para sa pelikulang "Whether The Weather Is Fine" na kuwento tungkol sa survivors ng bagyong Yolanda, gaya ng direktor na si Carlo Manatad. 


—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.