Pinakamaliit na jeepney sa mundo, ala-Santa Claus sa Baguio

Justin Aguilar, ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2018 10:50 AM | Updated as of Jul 09 2019 03:13 PM

Namigay ng pamasko sa mga bata ang mga may-ari ng pinakalamaliit na jeepney sa mundo na si "Jeepito".

BAGUIO - Lumibot sa mga pasyalan dito ang pinakamaliit na jeepney sa mundo na si "Jeepito" nitong Pasko.

Namigay ng kendi sa mga bata sa lungsod ang mag-asawang may-ari ng sasakyan na sina Tonton Papa Tan at Tante Galang, kasama ang kanilang pamilya.

"Umuwi si Jeepito dito sa Baguio to celebrate with us kasi hometown ni Jeepito ang Baguio so we all decided to spend Christmas here and share the blessings that Jeepito had received for the past year," ani Galang.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Talagang happy kaming makita ng mga turista yung saya na pwedeng i-offer ng Baguio," dagdag ni Tan.

Kasama rin nilang namahagi ng mga regalo ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Alex Anselmuccio.

May habang 92 inches at lapad na 42 inches si Jeepito, na pinakamaliit na jeepney sa mundo, batay sa patent na hawak ng mga may-ari nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.