Crew na nag-absent dahil lasing, hinoldap ang pinagtatrabahuhang restoran

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 04:12 PM | Updated as of Dec 05 2019 04:21 PM

Matapos mag-absent dahil sa kalasingan, pumunta pa rin ang isang crew sa kaniyang pinagtatrabahuhan sa Atlanta, Georgia sa Estados Unidos, pero sa halip na magtrabaho ay nangholdap umano siya rito, ayon sa pulisya. 

Patong-patong na kaso ang haharapin ng suspek na si Kentarias Gowans, empleyado ng Steak n’ Shake restaurant, ayon sa Oakwood Police.

Ayon sa mga awtoridad, tumawag sa Steak n’ Shake si Gowans para magpaalam na magpapaliban muna sa trabaho noong Thanksgiving (Nobyembre 29). 

Pero pagsapit ng gabi, lasing umano nang dumaan si Gowans sa kainan at naglabas ng baril - dahilan para magsitakbuhan ang mga empleyado at kustomer ng kainan. 

Nagawa pa umano ni Gowans na pagbantaan ang kaniyang katrabaho para makakuha ng pera. 

Nanlaban din umano ang biktima kaya ginamitan ito ng stun gun bago arestuhin. 

Kinasuhan na ng aggravated assault at iba pang krimen ang suspek.

— Isinalin mula sa ulat ng Associated Press

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.