Lalaki, 69, bigong pababain ang edad sa 49

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2018 02:54 PM

Ibinasura ng korte ang apela ng isang 69 anyos na lalaki sa Netherlands na mabawasan ang kaniyang edad ng 20 taon para mapabuti ang kaniyang buhay pag-ibig. 

Sa pasya ng Arnhem District court, sinabi nitong hindi ito papayag na sa hiling ng life coach na si Emile Ratelband na maiurong ang kaniyang kaarawan sa Marso 11, 1969 mula sa aktwal na 1949. 

Makakaapekto anila ito sa ilang isyung legal na maaaring iharap kay Ratelband. 

"Mr Ratelband is at liberty to feel 20 years younger than his real age and to act accordingly," ayon sa mga hukom.

"But amending his date of birth would cause 20 years of records to vanish from the register of births, deaths, marriages and registered partnerships," anila. 

Una nang iginiit ni Ratelband, na nagpakilalang eksperto sa "self-awareness", na nahaharap siya sa diskriminasyon dahil umano sa kaniyang edad. 

"I am a young god. I can have all the girls that I want, but not after I tell them that I am 69," aniya. 

"I feel young. I am in great shape and I want this to be legally recognized because I feel abused, aggrieved and discriminated against because of my age," dagdag niya nang isasampa ang kaso sa korte. 

Pero buwelta ng korte noong Lunes, wala silang nakikitang dahilan para amiyendahan ni Ratelband ang kaniyang edad, bagaman nauuso umano sa lipunan na maramdaman ng mga may-edad na mas bata sila. 

-- Salin mula sa Agence France-Presse 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.