Ginang na 'muntik' manalo ng jackpot sa UltraLotto, nanakawan umano ng tiket

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2018 03:28 PM

Pera na, naging bato pa.
    
Ito ang kinahinatnan ngayon ng isang ginang sa Iloilo matapos umanong mawala ang kaniyang tiket na tumama ng limang numero sa UltraLotto 6/58.

Kuwento ni Analyn Dawa, nanalo siya nang higit P100,000 sa bola ng lotto noong Setyembre 11.

    
Matapos ang isang buwan nang pagproseso ng dalawang ID para ma-claim ang premyo, nagpunta na siya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Iloilo.
    
Nagbanyo muna umano siya at doon na "nanakaw" ang kaniyang tiket matapos may kumausap sa kaniyang babae.    
    
May sulatan ng pangalan at pirma ang likod ng Lotto ticket. Hindi pa malinaw kung nasulatan ito ng babaeng nanakawan umano ng ticket. 

Iniimbestigahan na ng PCSO-Iloilo ang insidente.

Pumalo sa higit P1 bilyon ang premyo sa UltraLotto 6/58 na napanalunan noong Oktubre 14 na tinamaan ng dalawang tumaya. 

—Ulat mula sa Headline Pilipinas

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.