3 pulis naaksidente sa dagat, sinagip ng tinutugis na mga drug suspect

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 01:13 PM

MADRID, SPAIN - Tatlong pulis ang sinagip ng tinutugis nilang mga drug suspect nang lumubog ang kanilang bangka noong Oktubre 4.

Gamit ang isang police vessel, hinabol noon ng mga pulis ang isang speedboat na may lamang apat na hinihinalang naglilipat ng droga sa karagatan sa Spain, ayon sa pahayag ng pulisya.

Sa gitna ng paghahabol, nagbanggaan ang dalawang bangka, dahilan para tumilapon ang dalawang pulis na nawalan ng kontrol sa kanilang sinasakyan.

Gamit ang megaphone, nanawagan ang isang police helicopter na tulungan ang mga tumilapon na pulis.

Sinagip man nila ang mga pulis, inaresto pa rin ang mga suspek matapos makita ang tatlong tonelada ng hinihinalang droga sa tubigan malapit sa kanilang bangka.

"They were arrested for drug trafficking," ayon sa pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.