TINGNAN: Lalaki nag-helmet habang nangangabayo sa Tuguegarao

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 03:18 PM

Huli sa video ang isang lalaking nakasuot ng helmet habang nangangabayo sa national highway sa Tuguegarao City, Cagayan.

 

Umani na ng higit 20,000 views sa social media ang video na kuha ni Liza Balisi.

Kamakailan ay isang guwardiya ang hinuli sa lungsod dahil sa pagsusuot ng kaldero bilang helmet habang nakasakay ng motorsiklo.

-- May ulat ni Harris Julio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.