VIRAL: Peacock, namataan sa Muntinlupa

Job Manahan, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2020 03:09 PM

Tila hindi pa natatapos ang mala-'Jumanji' na eksena sa iba't ibang bahagi ng bansa nitong mga nakaraang araw.

Isang peacock ang namataan ni Bayan Patroller Chico Cabalatungan sa Alabang Hills, Muntinlupa City na nakaupo sa gate ng isang bahay at tila chill lang.

 

Nilinaw naman ni Cabalatungan na noong Mayo pa ang kanyang retrato at pagala-gala aniya ang ilang peacock doon dahil bird sanctuary ang malaking bahagi ng lugar. 

Dahil dito, hindi na bago sa mga residente na makasalamuha ang mga peacock, aniya.

"Normally they're let out of their pen early in the morning and that's when they roam around. By the afternoon, they start coming closer to their home property na. Then by evening, they go back in," sabi niya. 

May sariling bird sanctuary rin ang may-ari ng nasabing peacock kaya tiyak ang Bayan Patroller na ligtas ang mga ito sa kanyang pangangalaga, dagdag niya.

"It's a very welcome part of our community. Actually kasi, animals are really loved dito sa village namin. It's not uncommon to see houses leaving bowls of food outside their gates for stray cats to feast on."

Matatandaang nitong mga nakaraang araw, tampok sa social media ang mga ostrich, baboy, baka, bayawak, baboy ramo, kambing, at kabayo na rumarampa sa kalsada.

Nagpaalala si Department of Environment and Natural Resources undersecretary Benny Antiporda na may epekto sa biodiversity ang pag-aalaga ng ilang hayop tulad ng ostrich.

"Mayroon tayong endangered species. This shall promote a negative impact to the biodiversity. Kasi first of all, 'yung mga endangered species natin, ginagawang pet sa bahay na para bang trophy nila, without even thinking about the situation of the animal," ani Antiporda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.