PANOORIN: Baboy ramo gumagala sa intersection sa Cabanatuan

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2020 04:44 PM | Updated as of Aug 08 2020 09:53 PM

 

Isang baboy ramo ang namataang pagala-gala sa highway sa Nueva Ecija kamakailan.

Sa kuha ni Al Lopez, tumatakbo ang baboy ramo Agosto 4 bandang alas-11 ng umaga sa intersection ng Maharlika Highway sa Cabanatuan City.

Sumabay ang insidente sa panahong nagsikalat sa kalye ang ilang hayop tulad ng ostrich, baboy at bayawak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.