May pangalan ang pustiso: Babae na nagsuot ng ninakaw na pustiso arestado

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 03:03 PM | Updated as of Jul 30 2019 03:18 PM

MAYNILA - Arestado ang isang babae sa Amerika matapos umanong mabatid ng pulisya na nakaw ang suot nitong pustiso. 

Ayon sa Facebook post ng Jennings County Sheriff's Office sa state ng Indiana, nakatanggap ng ulat ang kanilang opisina na ninakaw ng isang Joann Childers ang pustiso ng isang babae. 

 

Nang pumunta raw ang suspek sa kaniyang probation meeting, naging kumbinsido ang mga opisyal na hindi talaga pagmamay-ari ni Childers ang ngipin na gamit nito. 

"The Probation Officer stated that Joann had worn teeth to her probation meeting that clearly were not hers and that she believed they may be the stolen teeth," anila sa Facebook post. 

Makalipas ang dalawang araw, pinuntahan ng isang opisyal si Childers. At nang makausap ito, napansin nitong nakasulat sa pustiso ang pangalan ng biktima. 

Narekober na ang pustiso at nahaharap na si Childers sa kasong theft. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.