NAGKULANG NG 1 LAP: Runner nagdiwang kahit di pa tapos ang karera, natalo

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2019 01:30 PM | Updated as of Jul 09 2019 03:14 PM

Kahihiyan ang inabot ng Ethiopian runner na si Hagos Gebrihwet nang magdiwang umano ito at inakalang nanalo siya kahit may isang lap pa siyang kailangang tapusin sa isang karera sa Switzerland.

Sa 5,000 meter race sa Diamond League sa Lausanne sa Switzerland, kitang nangunguna sa karera si Gebrihwetat nang lumagpas sa lap line.

Itinaas niya ang kaniyang kamay para magdiwang at bumagal nang takbo nang mapansin niyang patuloy pa ring tumatakbo ang kaniyang mga kalaban.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kumaripas si Gebrihwet para mabawi ang kaniyang pagkakamali ngunit dahil dito, napabagsak siya sa ika-10 na puwesto.

Dahil sa umano'y kapabayaan ni Gebrihwet, nanguna ang kaniyang kabayan na si Yomif Kejelcha, na nagtamo ng running time na 13 minuto at 0.56 segundo.

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse