TINGNAN: Mga pangalan ng mga tuta, hango sa COVID-19 pandemic

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 05:14 AM | Updated as of May 26 2020 08:36 PM

Larawan mula kay Cornelio Maluyo

Sarrat, Ilocos Norte - Hango sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang mga pangalan ng mga tuta sa Barangay 4, Sarrat, Ilocos Norte.

Si Cornelio Maluyo na isang pet lover ang mismong nagbigay ng mga pangalan ng mga tuta. Ang mga pangalan nila ay Wuhan Jhong, Pandemico, Corona Marie, Virusa, Quarantino, Relifa, Tik, at Tok.

Larawan mula kay Cornelio Maluyo

Isinilang noong Mayo 14 ang mga tuta na pagmamay-ari ng kanilang kapitbahay. 

Siya na ngayon ang nag-aalaga sa mga ito at ginawan pa niya ito ng tig-iisang duyan.

Larawan mula kay Cornelio Maluyo

Ayon kay Maluyo, ang pag-aalaga ng mga hayop ay nakakatulong sa pagtanggal ng stress at pagkabagot lalo na ngayon ay may kinakaharap na krisis bunsod ng COVID-19.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.