Lalaking bagong laya, 'binalikan' ang bangkong ninakawan

ABS-CBN News

Posted at May 04 2018 10:25 PM

Isang lalaki sa Ohio, USA ang muling nahaharap sa kasong kriminal matapos agad "balikan" ang kaniyang bangkong ninakawan dalawang taon na ang nakalilipas. 

Pagkalayang-pagkalaya ni Markiko Sonnie Lewis, agad niyang pinagnakawan muli ang kaniyang "suking" bangko na nilooban niya noon at dahilan ng kaniyang pagkakakulong. 

Ayon sa U.S. prosecutors, Abril 11 nang lumayo si Lewis at Abril 12 nang puwersahan nitong tangayin ang tinatayang $1,044 mula sa bank teller ng maliit na bangko sa Midwestern City, Cleveland. 

Dahil dito, nahaharap ngayon ang 40 anyos na si Lewis sa federal criminal indictment, na may kaakibat na parusang hanggang 20 taon pagkakabilanggo. 

Taong 2016 nang unang makulong si Lewis sa pagnanakaw sa naturang bangko, pero nakalaya na nitong 2018 at naka-probation sana sa susunod na tatlong taon, ayon sa Ohio Department of Rehabilitation and Corrections. --Isinalin mula sa ulat ng Agence France Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.