9 nars sa ospital sa Amerika, sabay-sabay ang pagdadalantao

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2019 03:42 PM

 

Hindi na pangkaraniwan ang pagdadalantao sa tuwing nagtatrabaho. 

Pero sa isang ospital sa Estados Unidos, halos magkakasabay na manganganak ang 9 na nars na nagtatrabaho sa kanilang labor ward. 

Sa isang Facebook post, sinabi ng Maine Medical Center sa US state na Portland na nakatakdang manganak mula April hanggang Hulyo ang 9 na nars ng kanilang ward. 

Makikitang may hawak-hawak na libelo ang walo sa siyam na nars kung kailan sila nakatakdang manganak. 

Sa nasabing post, nagbigay-pugay ang ospital sa kanila. 

"How’s this for a baby boom? Nine of our nurses (8 of whom are in this photo) are expecting babies between April and July! Congratulations!" anila sa social media. 

Iginiit naman ng ospital na may tugon sila sakaling may mga dumating silang pasyente sa nasabing panahon. 

"Don't worry, we have a plan," ayon sa Facebook comment ng ospital nang tanungin ng netizen kung may nars pa rin na aalalay sa kaniya kapag nanganak siya sa Hunyo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.