Gold bars, nahulog mula sa eroplano

Agence France-Presse

Posted at Mar 16 2018 12:51 AM

A handout picture provided by YakutiaMedia news agency shows precious metal ingots on the runway of the airport of Yakutsk. YakutiaMedia / AFP

Nahulog ang mahigit 100 gold bars mula sa isang eroplanong Ruso nitong Huwebes.

Kaka-take off lang ng isang Antonov plane sa airport ng Yakutsk sa Siberia nang biglang bumukas ang pintuan ng cargo nito at nahulog ang kargamento nitong ginto.

Galing daw ang gold bars sa minahan sa Chukotka region.

"As it gathered height, the cargo door became damaged due to the shifting of cargo" and "part of the cargo was scattered on the runway. (Nagkaroon ng sira ang pintuan ng cargo habang umaangat ang eroplano at gumagalaw ang kargamento)," ayon sa pahagay ng Russian Investigative Committee.

Agad namang bumalik sa airport ang eroplano at hindi rin muna nagpapasok sa bahagi ng paliparan kung saan nagkalat ang gold bars.

"172 bars have been found weighing around 3.4 tonnes (Natagpuan ang 172 gold bars na tumitimbang ng 3.4 metriko tonelada)," anang local interior ministry sa TASS state news agency. "Only part of the gold fell out -- altogether there were around nine tonnes in there (Bahagi lang ng gintong kargamento ang nahulog. Sa kabuuan, mayroong siyam na metriko toneladang gintong kargamento ang eroplano)."

Ayon sa kompanyang nangangasiwa ng minahang pinanggalingan ng gold bars, nabawi ang lahat ng nahulog na ginto.

Sa tingin ng mga imbestigador, hindi maayos na naisalansan ang kargamentong ginto kaya ito nagdulot ng problema sa biyahe ng eroplano.

-- Isinalin mula sa ulat ng © Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.