6-talampakang sawa nahuli sa S. Cotabato

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 07:18 PM

Nahuli ang isang 6-talampakang sawa sa tapat ng isang convenience store sa bayan ng Polomolok, South Cotabato nitong Huwebes ng gabi.

Sa video na kuha ng bayan patroller, makikitang hinahawakan pa ng guwardiya ng convenience store ang nagpupumiglas na sawa.

Watch more in iWant or TFC.tv
Kuha ni Bayan Patroller Karen Mae Garcia

Lumabas daw mula sa butas ng semento malapit sa basurahan ang sawa. Agad itong hinuli ng gwardiya para hindi ito makapanakit ng tao.

Nilinaw ng guwardiya na hindi galing sa loob ng store ang sawa, kaya walang dahilan para matakot ang mga customer.

Agad itinurn-over na sa City Environment Natural Resources Office sa General Santos City ang sawa.

Balak namang ipasuri ang butas sa harap ng store para masigurong wala nang iba pang nagtatagong ahas dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.