Wanted: Part-time ermitanyo sa Austria

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2017 02:59 PM | Updated as of Jan 17 2017 04:12 PM

This undated handout photograph released on January 16, 2017 by Saalfelden Leogang Touristik shows a large view over Saalfelden near Salzburg in Austria and one of central Europe's last hermitages (right), built into a cliff above the town. Saalfelden is seeking to fill a part-time job position, looking for a successor to the last hermit in one of central Europe's last hermitages. The hermitage gets a steady stream of visitors coming to "enjoy the view, to pray and to talk," cautions the advert on Saalfelden's website. Saalfelden Leogang Touristik, Handout/ AFP

VIENNA, Austria -- Naghahanap ka ba ng trabaho? Kaya mo bang mabuhay nang mag-isa at walang kapitbahay, internet, kuryente, heater, at running water, pero magigising ka naman sa magandang tanawin araw-araw?

May trabahong part-time na naghihintay para sa mga nais maging ermitanyo sa Europa, na patitirahín sa bangin na may taas na 1,400 metro mula sa ibabaw ng dagat.

Batay sa job description na inilabas ng mga namamahala sa lugar, hanap nila ang aplikanteng may koneksiyon sa paniniwalang Kristiyano, payapa ang kalooban at payag na walang suweldo.

Nakatakdang manirahan sa lugar ang mapipiling aplikante mula Abril hanggang Nobyembre.

Hindi naman mag-iisa sa kabuuan ng kanyang pananatili ang ermitanyo dahil maraming turista at bisita doon, na ang pakay ay magdasal at makita ang magandang tanawin.

Ayon sa kay Fr. Alois Moser, naghahanap sila ng papalit kay Thomas Fieglmueller, ang dating ermitanyo sa lugar.

Kuwento ni Fieglmueller, na dating pari at psychotherapist, babalik na siya sa pagsusulat.

Dagdag pa niya, marami siyang nakilalang mabubuting tao na bumisita sa lugar.

Pero meron din aniyang mga konserbatibong Katoliko ang pumuna sa kanya dahil wala siyang tukarol at balbas. 

Hanggang sa Marso 15 na lang ang pagpapadala ng aplikasyon para sa posisyon. With Agence France-Presse