Dagdag-singil sa langis, LPG namumuro sa pagpasok ng 2020

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 02:34 PM | Updated as of Dec 30 2019 07:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Sa huling araw ng taon, magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng pagtaas sa presyo ng kanilang produkto.

Simula Martes, Disyembre 31, tataasan ng Shell, Petro Gazz, at Seaoil ng P0.85 ang presyo ng kada litro ng gasolina at P0.50 sa presyo ng kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell at Seaoil ng P0.35 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Sa Miyerkoles, Enero 1 naman ipatutupad ng Cleanfuel ang taas-presyo sa gasolina at diesel. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.