#WalangKuryente: Power interruption sa Luzon sa Disyembre 31-Enero 6

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2018 12:40 PM

Inanunsiyo ng Meralco na mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Bulacan, Cavite at Laguna ngayong linggo:

 

 BULACAN (SAN RAFAEL)
ENERO 3, 2019, HUWEBES
Sa pagitan ng alas-12:01 ng hatinggabi at alas-5 ng madaling araw

- Bahagi ng Maguinao Road mula Cagayan Valley Road hanggang at kasama ang Gulod St.; San Rafael Village Phase 3; at Yoda Metal and Crafts Trading and Services sa Bgy. Maguinao.

DAHILAN: Reconductoring ng primary lines at pag-install ng overhead facilities sa Maguinao Road sa Bgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan.

BULACAN (BOCAUE)
ENERO 4, 2019, BIYERNES
Sa pagitan ng alas-10 ng umaga at alas-3 ng hapon

- Towerville Subd. Phases 4A & 5 at Winterbreeze Homes Subd. sa Bgy. Minuyan Proper.

REASON: Line reconductoring works at pag-install ng karagdagang lightning protection sa Bgy. Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan.

 CAVITE (IMUS CITY)
ENERO 3, 2019, HUWEBES
Sa pagitan ng alas-9:30 ng umaga at alas-2:30 ng hapon

- Bahagi ng Advincula Ave. mula Lancaster New City hanggang at kasama ang Ahnex Builders & Ready Mix sa Bgy. Alapan II-B.
- Bahagi ng M. Salud Road mula Advincula Ave. hanggang at kasama ang Gawad Kalinga Subd. sa Bgy. Alapan II-B.

DAHILAN: Paglipat ng mga pasilidad sa Advincula Ave. malapit sa Lancaster New City, Bgy. Alapan II-B, Imus City, Cavite.

LAGUNA (LILIW, NAGCARLAN, RIZAL, MAGDALENA, MAJAYJAY, STA.CRUZ AT SAN PABLO CITY)
ENERO 5, 2019, SABADO
Sa pagitan ng alas-7:30 ng umaga at alas-7:59 ng umaga at sa pagitan ng alas-12:01 ng tanghali at alas-12:30 ng tanghali

- Bahagi ng Majayjay – Liliw Municipal Road mula Meralco – Botocan substation hanggang at kasama ang mga buong bayan ng Liliw, Nagcarlan, Rizal and Magdalena; Bgys. Bukal, Coralao, Ibabang Banga, Ilayang Banga, Malinao, May-it, Munting Kawayan, Olla, Oobi, Pangil, Panglan, San Isidro, Sta. Catalina, Suba at Talortor sa Majayjay; Bgys. San Antonio I, Sta. Maria Magdalena at Sto. Angel sa San Pablo City.

- Bahagi ng Pedro Guevarra Ave. mula Meralco – Sta. Cruz substation hanggang at kasama ang Pedro Guevarra National High School at Sta. Cruz Public Market; Carmenchu Residences, Villa Silangan Subd. at San Francisco Subd. sa Bgys. Pagsawitan, San Pablo Sur, Santo Angel Sur, Calios, Santo Angel Central, Santo Angel Norte at Umboy sa Sta. Cruz.

- Bahagi ng Quezon Ave. mula Pedro Guevarra Ave. hanggang at kasama ang Monserrat Subd., Jamaica Subd., Atdramm Subd., Bayside Subd., Leonora Subd., Villa Josefina Subd., Villa Rosa Subd., Lynville Homes Subd. Phases I & II, Minorka Ville Subd., Remedios Country Homes at Laguna Heights sa Bgys. Sto. Angel Sur, Patimbao, Sto. Angel Central, Calios, Bagumbayan, Bubukal, Labuin, San Juan, Malinao, San Jose at Oogong sa Sta. Cruz.

DAHILAN: NGCP maintenance works sa loob ng NGCP - Caliraya substation.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.