Presyo ng diesel, kerosene tataas sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2019 02:50 PM | Updated as of Dec 16 2019 07:17 PM

(UPDATE) Nag-abiso ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel at kerosene simula Martes, Disyembre 17.

Ayon sa Shell, Seaoil, Petro Gazz, PTT Philippines, Petron, Phoenix Petroleum, Total, at Flying V, magkakaroon ng P0.40 taas-presyo sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Petron at Flying V ng P0.60 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Sa Miyerkoles, Disyembre 18, naman magpapatupad ang Cleanfuel ng P0.40 bawas-presyo sa kada litro ng diesel.-- Ulat ni Alvin Elchcio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.