Dagdag sahod ng mga kasambahay sa Western Visayas, ipinatupad

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2017 01:56 PM

MANILA- Inaprubahan na ang umento sa sahod ng mga kasambahay sa Western Visayas, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Nasa P3,500 na kada buwan ang pinakamababang puwedeng pasahod sa mga kasambahay sa Western Visayas ayon sa bagong wage order na itinakda ng Regional Wages and Productivity Board sa rehiyon.

Binigyang bisa ang umento nitong Disyembre 8, 2017.
 
Sakop ng umento sa sahod ang mga kasambahay na nagtatrabaho sa probinsiya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.