Presyo ng petrolyo may rollback sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 03:37 PM | Updated as of Dec 09 2019 04:15 PM

(UPDATE) Nag-abiso ang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng tapyas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Disyembre 10.

Ayon sa Seaoil, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, PTT Philippines, at Caltex, P0.10 ang kanilang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.40 sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Petro Gazz at Caltex ng P0.40 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Ayon naman sa Total at Flying V, P0.10 ang kanilang bawas-presyo sa kada litro ng diesel at P0.30 sa kada litro ng gasolina. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.