Presyo ng ilang gulay, isda, manok tumaas

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 11:25 AM | Updated as of Nov 14 2019 12:15 PM

Tumaas ang presyo ng manok, maging ng ilang gulay at isda habang bumaba ang presyo ng baboy sa Muñoz Market sa Quezon City. 

Presyo ng mga gulay

• Repolyo → P100/kilo (dating P70/kilo)
• Talong → P100/kilo (dating P60/kilo)
• Patatas→ P120/kilo (dating P80/kilo)
• Petsay→ P100/kilo (dating P80/kilo)

Bahagya namang bumaba ang presyo ng sayote, na nasa P40 kada kilo mula P50 kada kilo. Nasa P70 kada kilo naman ngayon ang Petchay Baguio mula P80 kada kilo. 

Presyo ng mga isda

• Galunggong → P140/kilo (dating P120/kilo)
• Alumahan → P240/kilo (dating P220/kilo)
• Salay Salay → P160/kilo (dating P140/kilo)
• Dalagang Bukid → P240/kilo (dating P200/kilo)
• Matambaka → P200/kilo (dating P160/kilo)
• Tawilis → P120/kilo (dating P100/kilo)

Nasa P170 kada kilo ngayon ang presyo ng manok mula sa P150.

Sumadsad naman sa P180 hanggang P190 kada kilo ang presyo ng karneng baboy mula P200 hanggang P210. 


-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.