Hanggang saan aabot ang P25 dagdag-sahod sa NCR?

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2018 08:20 PM | Updated as of Aug 04 2019 12:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dahil patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin, nakukulangan ang ilang minimum wage earners sa Metro Manila sa P25 kada araw na umento. 

Para kay Dolly Mendoza, na umaasa sa anak na minimum wage earner, hindi sapat ang naturang umento para buhayin ang mga malalaking pamilya. 

Ganito rin ang pananaw ni Larry Cadiz, na humihirit ng kahit P150 dagdag dahil sa hirap ng trabaho bilang security guard. 

Para naman kay Phoebe Castillon, isang housekeeping staff, malaking bagay ang P25 dagdag para sa pampaaral ng kapatid. 

"Sa isang araw, P25 i-times mo sa 15 [araw] na iyon, medyo okay-okay na po,” aniya. 

Ngunit ano nga ba ang mararating ng P25 para sa isang minimum wage earner? 

Sa pag-iikot ng ABS-CBN News, makakabili rin sa palengke ng pang-2 hanggang 3 tao na gulay na ginagamit sa adobong sitaw o ginisang gulay sa P25. 

Makakabili rin ng kombinasyon ng mga sumusunod na sangkap:

  • Carrot, patatas, sibuyas; 
  • ½ kilo ng well-milled rice at itlog; o
  • 7 pirasong tuyo 

Sa P502 kada araw, na katumbas ng minimum wage, makakagawa ng 100 stick ng banana cue kada araw, at papatak ng P700 ang tubo kung ibebenta ito ng P12 kada stick. 

Kung hindi naman ito mapapalago, kailangan lang umanong maging 'wais' sa pagtitipid at pagba-budget.

-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.