Gasolina, diesel may bawas-presyo sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2019 11:57 AM | Updated as of Oct 28 2019 04:52 PM

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng bawas-presyo sa diesel at gasolina simula Martes, Oktubre 29.

Ayon sa Petro Gazz, Shell, Seaoil, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Total, at Flying V, magpapatupad sila ng P0.10 bawas sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.45 bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene.

Naunang magpatupad noong hapon ng Linggo ang Cleanfuel ng P0.20 bawas sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.60 bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.