Inflation noong Setyembre sumadsad sa 0.9 porsiyento

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2019 03:40 PM | Updated as of Oct 04 2019 10:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Lalo pang bumagal noong Setyembre ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa, ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes. 

Ayon sa PSA, nasa 0.9 porsiyento ang inflation, ang pinakamabagal na antas nito sa loob ng 3 taon. 

Mula 1.7 porsiyento noong Agosto, bumagal pa sa 0.9 porsiyento ang inflation, pasok sa 0.6 hanggang 1.4 porsiyentong target ng Bangko Sentral ng Pilipinas. 

Nag-ambag sa mabagal na inflation ang pagbaba sa presyo ng pagkain at non-alcoholic drinks. 

Pero ang isang mamababatas, hindi daw ito dapat ipagmalaki ng pamahalaan. 

Sa kabila ng pagsadsad ng inflation, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na hindi naman daw ito nadadama ng mga mahihirap na mamamayan.

"The government should not crow about this because it is even slow in addressing the many issues hitting consumers now like the worsening health crises, the African Swine Fever (ASF), killer low palay price for impoverished farmers, oil price hikes and impending water rate increases," ani Zarate sa pahayag. 


— May ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.