Supermarket owners sa Cebu, inutusang ibalik ang mga pork products sa suppliers sa Luzon

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 11:52 PM

Binigyan ng 10 days ng pamahalaan ng probinsya ng Cebu ang mga supermarket owners sa probinsya na i-pull out at ibalik sa suppliers ang lahat ng mga pork products na galing sa Luzon.

Sa ipinalabas na Executive Order No. 16 ni Gov. Gwendolyn Garcia, ipapatupad nila ang 100 days na total ban ng mga lahat ng pork products na galing sa Luzon.

Dulot ito ng lumalalang krisis ng African swine fever sa bansa, lalo na sa lungsod ng Metro Manila.

Sumang-ayon dito ang presidente ng Central Visayas Pork Producer Cooperative na si Rolando Tambago, dahil ang stock nila mismo umano ang maapektuhan ng nasabing sakit.

Hinihikayat din nila ang mga negosyante na sundin ang mando ng probinsya para maiwasan ang pagapasok ng sakit sa Cebu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.