Presyo ng langis, may dagdag simula Setyembre 18, 2018

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2018 01:20 PM | Updated as of Sep 17 2018 04:06 PM

Nag-abiso ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Setyembre 18, 2018.

Ayon sa Shell, Flying V, at SEAOIL, nasa P0.50 ang dagdag sa kada litro ng kanilang gasolina, P0.15 sa kada litro ng diesel, at P0.20 sa kada litro ng kerosene.

Parehong presyo rin ang ipatutupad ng TOTAL, Petro Gazz, Jetti Pump, Eastern Petroleum, at PTT Philippines sa gasolina at diesel. 

Magiging epektibo ang mga pagbabago sa presyo simula alas-6 ng umaga. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.