P1.40-P1.60/litro dagdag-singil sa gasolina nagbabadya

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2019 07:00 PM

Kasunod ng dalawang linggong rollback, magkakaroon ng dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Setyembre 17.

Batay sa pagtataya ng mga taga-industriya, papalo sa P1.40 hanggang P1.60 kada litro ang madadagdagan sa singil sa gasolina.

Maglalaro naman sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro ang rollback sa diesel, at nasa P0.90 hanggang P1 kada litro ang inaasahang dagdag sa kerosene.

Ayon sa mga eksperto, may pagtaas kasi sa demand o pangangailangan sa krudo.

Kaakibat din ito ng espekulasyong bibilisan pa ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ang pagtapyas ng produksiyon sa langis.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.