'Power supply sapat para sa Malampaya shutdown'

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2019 04:15 PM | Updated as of Sep 11 2019 06:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng kuryente at walang mangyayaring brownout sa Luzon sa kasagsagan ng 4 na araw na maintenance shutdown ng Malampaya Onshore Gas Plant sa Batangas.

Mayroon namang kuryenteng maibibigay ang ibang power plant at mas mababa rin ang inaasahang demand o konsumo ng kuryente sa Oktubre kompara sa tag-init, sabi ng DOE sa pahayag.

"The power reserve for Luzon during the Malampaya maintenance shutdown on October 12 to 15, 2019 will be sufficient (no brownout) due to the availability of other power plants and lower demand compared with the summer period of 2019," anang DOE.

Mula Oktubre 12 hanggang 15, magkakaroon ng maintenance shutdown ang platform at onshore facility ng Malampaya sa Batangas City.

Halos kalahati ng kabuuang suplay ng kuryente sa Luzon ay galing sa mga plantang pinatatakbo ng natural gas mula Malampaya platform.

Mula platform sa baybayin ng Palawan, may higit 500 kilometrong tubo ang dinadaanan ng natural gas papuntang Batangas bago makarating sa iba-ibang planta ng kuryente.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.