Meralco may panibagong bawas-singil ngayong Setyembre

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 11:27 AM | Updated as of Sep 09 2019 07:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Inanunsiyo ng Meralco ngayong Lunes ang panibagong bawas sa singil ng kuryente ngayong Setyembre.

Ito ang ikalimang sunod na buwang nagkaroon ng bawas-singil sa kuryente ang Meralco. Kung susumahin, P1.52 ang kabuuang bawas-singil sa kuryente sa Meralco simula Mayo.

Nasa P0.53 kada kilowatt hour (kWh) ang bawas sa bill ngayong buwan, ayon sa Meralco.

Katumbas ito ng P105 bawas sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, P158 sa konsumong 300 kWh, P210 sa konsumong 400 kWh, at P263 sa konsumong 500 kWh.

Muling natapyasan ang singil sa kuryente dahil sa mababang generation charge at refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission, ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.

 — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.