ALAMIN: Tapyas sa presyo ng langis simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 05:16 PM | Updated as of Sep 09 2019 06:26 PM

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magpapatupad sila ng bawas sa presyo ng petrolyo simula Martes, Setyembre 10.

Nasa P0.50 ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.10 naman sa kada litro ng diesel, ayon sa PTT Philippines, Caltex, Shell, Petro Gazz, Total, Flying V, at Petron.

Magpapatupad naman ng P0.25 bawas sa presyo ng kerosene ang Caltex at Petron.

Nauna nang mag-rollback ngayong Lunes ang Seaoil ng P0.50 sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel, at P0.25 sa kada litro ng kerosene.

Nagtapyas na rin ng presyo ang Cleanfuel noong Linggo at Phoenix Petroleum noong Sabado, na nasa P0.50 sa kada litro gasolina at P0.10 sa kada litro ng diesel.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.