Oil firms nag-abiso sa bawas-presyo sa petrolyo simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2019 03:49 PM | Updated as of Sep 02 2019 09:01 PM

(UPDATE) Nag-abiso ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto simula Martes, Setyembre 3.

Nasa P0.10 bawas sa kada litro ng gasolina at diesel ang ipatutupad ng Total, Caltex, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, Shell, Petron, Flying V, at PTT Philippines.

Magpapatupad din ang Caltex, Petron, at Flying V ng P0.15 bawas sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi.

Nauna nang magpatupad ngayong Lunes ang Seaoil ng P0.10 bawas sa kada litro ng gasolina at diesel, at P0.15 bawas sa kada litro ng kerosene.

Noong Linggo naman nagpatupad ang Cleanfuel ng P0.20 bawas sa kada litro ng diesel at P0.10 bawas sa kada litro ng gasolina.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN New

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.