LPG, diesel, kerosene may rollback sa pagpasok ng Setyembre

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2019 06:21 PM

MAYNILA — Magkakaroon muli ng kakarampot na tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo sa pagpasok ng Setyembre.

Tinatayang rollback simula Martes

  • Diesel → P0.10-P0.20/litro
  • Kerosene → P0.10-P0.20/litro
  • Gasoline → P0.00-P0.10/litro

Maglalaro sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang magiging bawas sa presyo ng diesel at kerosene.

Sa gasolina, posibleng walang galaw o rollback na hanggang P0.10 kada litro.
    
Ang liquefied petroleum gas (LPG) naman, may namumuro ring maliit na rollback sa Setyembre 1.

Maglalaro lang ito sa P0.50 kada kilo o P5.50 kada tangke.
    
Paliwanag ng mga taga-industriya, matumal ang bentahan ng petrolyo nitong linggo, kasunod pa ang trade war ng Amerika at China.
    
Isa rin sa dahilan ang malaking imbentaryo ng langis ng US.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.