Solane, may dagdag sa presyo ng LPG simula Setyembre 1

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2018 07:21 PM

Nag-abiso ang kompanyang Solane na magkakaroon ng dagdag sa presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) simula Sabado, Setyembre 1, 2018.

Nasa P1.79 ang dagdag ng Solane sa kada kilogram ng kanilang LPG.

Magiging epektibo ang dagdag alas-6 ng umaga.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.