Presyo ng petrolyo tataas sa Agosto 20

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2019 02:07 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produkto ng petrolyo simula Martes, Agosto 20, inanunsiyo ng mga kompanya ng langis nitong Sabado. 

Nag-abiso na ang Caltex at Petro Gazz ng oil price hike na P0.75 sa diesel at P0.50 sa gasolina at kerosene pagsapit ng Martes ng umaga.

OIL PRICE HIKE NG CALTEX AT PETRO GAZZ

• Diesel → P0.75/litro 
• Gasoline → P0.50/litro
• Kerosene → P0.50/litro
    
Paliwanag ng mga eksperto sa industriya, ang pagtaas ay resulta ng pag-usad ng trade talks sa pagitan ng US at China pati na ng paghina ng piso kontra dolyar.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.