MAYNILA — Magkakaroon ng tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo simula Martes, base sa komputasyon ng mga taga-industriya.
Malaki-laki ang rollback sa presyo ng diesel na mahigit P1 ang itatapyas.
Tinatayang rollback sa petrolyo simula Martes:
- Diesel → P1.10-P1.20/litro
- Gasolina → P0.50-P0.60/litro
- Kerosene → P1.20-P1.30/litro
Pero may ilang kompanya ng langis na una nang nag-anunsiyo ng bawas-singil nitong Sabado ng hapon pa lang.
Rollback ng Phoenix Petroleum
- Diesel → P1.10/litro
- Gasolina → P0.50/litro
- Kerosene → P1.30/litro
[BOLD] Rollback ng Clean Fuel
- Diesel → P1.10/litro
- Gasolina → P0.50/litro
Paliwanag ng mga taga-industriya, ang tensiyon pa rin sa pagitan ng Amerika at China ang dahilan ng paghina ng presyo ng langis.
Mas malaki pa dapat ang rollback kung hindi lang humina ang palitan ng piso kontra dolyar.
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, TV Patrol, Busina, oil price hike, rollback, langis, petrolyo, gasolina, diesel, kerosene, gaas, pasada, liquefied petroleum gas, LPG