Singil sa tawag, text sa ibang network, inutos tapyasan

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 09:26 PM | Updated as of Jul 22 2019 12:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naglabas na ng memorandum circular ang National Telecommunications Commission (NTC) na nag-uutos sa mga telco na bawasan ang kanilang singil sa interconnection charge o ang bayad sa pagte-text o pagtawag sa ibang network.

Mula P0.15 na singil sa text messages, ibinaba na lang ito sa P0.05 kada text.

Ginawa namang P0.50 na lang kada minuto ang tawag, mula sa dating P2.50 kada minuto.

Matatandaang iniutos noong Mayo ng Department of Information and Communications Technology sa telcos na bawasan ang kanilang singil sa interconnection charge.

Epektibo ang desisyon ng NTC 15 araw matapos mailathala ito sa mga pahayagan.

Wala pang pahayag ang mga telco kaugnay ng desisyon.


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.