Shell may taas-presyo sa petrolyo simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2019 06:48 PM

Inanunsiyo ng kompanyang Shell ngayong Linggo na tataasan nila ang presyo ng kanilang produktong petrolyo simula Martes, Hulyo 16.

Ayon sa kompanya, simula alas-6 ng umaga, tataas ng P1.05 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Nasa P0.70 naman ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene at diesel.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.