Senior citizens, PWDs may discount na sa online booking ng flights

Robert Mano, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2017 01:59 PM

MANILA - Inaprubahan ng Civil Aeronautics Board (CAB) Lunes ang 20 percent discount sa online booking ng mga eroplano para sa mga senior citizen at persons with disability. 

Sa technical working group hearing ng House transportation committee, sinabi ni ni Wirlou Samodia ng CAB Legal Division na pagtitibayin na ng board ang resolusyon na mag-aatas sa mga airline na ibigay ang naturang discount. 
 
Pinaplantsa na lang aniya ang teknolohiya na gagamitin ng mga kumpanya.

Kapag naman nakapag-avail ng discount sa online booking, dadaan pa rin sa verification ang mga kustomer. Kailangan din nilang iprisenta ang ID kapag check-in sa flight. 

Babawiin ang discount sakaling mapatunayang peke ang ID na isinumite sa online booking. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.