Meralco may bawas-singil sa kuryente sa Hulyo

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2019 12:02 PM | Updated as of Jul 08 2019 07:52 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Magkakaroon ng bawas sa singil ng kuryente ang Meralco ngayong Hulyo, ayon sa pinakamalaking power distributor sa bansa.

Nasa P0.11 kada kilowatt hour (kWh) ang ibabawas ng Meralco sa July bill bunsod ng iniutos na refund (regulatory reset cost) at pagbaba ng transmission charge ng kuryente galing sa mga supplier.

Katumbas ito ng P21 na bawas para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh, P32 sa 300 kWh, P43 sa 400 kWh, at P53 sa 500 kWh.-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.