Ilan pang oil firms nag-anunsiyo ng galaw sa presyo ng petrolyo

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2019 02:25 PM | Updated as of Jul 08 2019 05:42 PM

(UPDATE) Ilan pang kompanya ng langis ang nag-abiso ng paggalaw sa presyo ng kanilang mga produkto, na ipatutupad sa Martes, Hulyo 9.

Tataas ng P0.25 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang babawasan naman ng P0.40 ang presyo ng kada litro ng diesel, ayon sa Petro Gazz, Shell, Seaoil, PTT Philippines, Caltex, Total, at Eastern Petroleum. 

Taas-presyo sa gasolina lang ang ipatutupad ng Phoenix Petroleum.

Babawasan naman ng Shell, Seaoil, at Caltex ng P0.35 ang presyo ng kada litro ng kanilang kerosene.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.